top of page

"Bato", uri ng mineral na matatagpuan sa mundo. Isa itong matigas na bagay na 'di kaya

Ang bato ay uri ng mineral na matatagpuan sa mundo. Isa itong matigas na bagay na 'di kayang buwagin ng simpleng kamay.

Ako ay isang bato. Matigas kung ituring, walang pakiramdam. Bato ako na ibinabato lang kung saan-saan. Marumi kung ako'y tingnan. Bato ako.

Isa akong matigas na bato na laging handang matapakan. Isang matigas na bato na kung ilang ulit ng nagulungan. Bato ako na kapag iyong ipinukol, babagsak at babagsak ako sa lupang kung saan ako nababagay. 'Di na 'ko nasasaktan pinanindigan ko na ang tingin sa akin ng karamihan na wala akong pakiramdam. Sanay na 'ko! Pero minsan naiisip ko, bato nga ba talaga ako? Wala ba talaga akong pakiramdam? Sanay na ba talaga ako? At masasabi ko sa sarili ko, "Hindi, hindi ako isang bato."

Nung dumating ka sa buhay ko, ang dating batong walang pakiramdam. Ang batong tinatapak-tapakan, ang batong sanay na masaktan, binigyan mo ng buhay, binigyan mo ng kulay, binigyan mo ng katuturan. Ang dating matigas na bato, may kasama na ngayon. Ang dating matigas na bato, lumambot nang dahil sa'yo. Ang batong nakakatakot, natutong lumugar. Ang batong tinatapak-tapakan, natutong lumaban. At ang batong walang pakiramdam natutong magmahal. Ngayon napatunayan ko, tao ako. Tao din ako tulad ng karamihan. Tao rin akong marunong masaktan. Tao rin akong may pakiramdam. Tao ako, naging bato lang dahil nagpalukob ako sa sakit na aking nararamdaman. Pero kapag dumating 'yung tamang taong bubuo ng puso ko'ng nasugatan. Akin nang mapatutunayan, tao ako!

KingHandsome


Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page