Isang buwan, magmula ng ika'y iwanan!
- Janelle Mauricio
- Aug 5, 2017
- 1 min read
Isang buwan! isang buwan magmula nang natapos ang ating pagmamahalan.
Ang ating pagmamahalan na akala ko'y walang hanggan.
Umasa ako na kailanma'y ako ay hindi mo sasaktan.
Umasa ako. Umasa ako sayo. Umasa ako sa mga pangako mong pangmalakasan.
Mga pangako mong ang tayo ay pangmatagalan,
Ngunit ang lahat pala sa iyo ay panandalian lamang.
Isang buwan, mahal. Isang buwan magmula ng ika'y lumisan.
Magmula nang ako ay iyong iniwan.

Masakit! OO! MASAKIT! Dahil akala ko'y ang TAYO ay walang hanggan.
Pero tama siguro sila, wala talagang pangmatagalan,
Maliban sa Diyos na makapangyarihan.
Hindi man tayo tumagal ng sampung buwan.
Maraming salamat sa saya sa loob ng ilang buwan.
Isang buwan. Isang buwan magmula ng ako ay iyong iwanan,
Magmula nang binali mo ang mga pangako mong aking pinaniwalaan.
Isang buwan. Ika'y akin ding makakalimutan!
Comments