top of page

"POLO", isang uri ng damit, isang uri ng uniporme na gawa sa puting tela. Polo na kadalasa

Ang polo ay isang uri ng damit, isang uri ng uniporme na gawa sa puting tela. Polo na kadalasa'y ginagamit ng mga mag-aaral.

Ako ay isang polo. Maputi? Oo, maputi ako. Malinis? Oo, malinis naman ako. Mabango? Oo, sa palagay ko. Polo ako. Maputi, malinis, at mabango. Isang polo na ang laki-laki ng galit sa'yo. Bakit? Alamin mo!

Polo ako. Naaalala mo lang ako kapag may pasok, kapag Sabado't Linggo, syempre 'di mo ko maaalala depende na lang kung may pasok ng Sabado. Minsan nga nakakalimutan mo pa rin ako kapag Lunes hanggang Biyernes kasi isang araw du'n P.E. Galit na galit ako sa'yo! Bakit? Kasi lagi mo 'kong pinapalitan. Kapag madumi na ako, kapag 'di na ko kaputian, ipapamigay mo na ako at bibili ka ng bago, 'yung maputi, malinis at mabango, 'yung dating ako.

Pero natanong mo na ba 'yung sarili mo kung bakit ako nagkaganito? Kung bakit 'di na ako maputi, malinis, at mabango? Gusto mo sagutin ko? Dahil hindi mo ako inalagaan, 'di mo ako iningatan, 'di mo ko pinahalagahan. Dahil kapag walang pasok, kung hindi pa pagmalasakitan ng nanay mo, ilalagay mo lang ako kung saan-saan. Tapos kapag Lunes na, yes may pasok na, kailangan mo na naman ako. Ganyan ka naman eh, nand'yan lang 'pag may kailangan. At kapag hindi mo na ako kayang pagtiyagaan, ipapamigay mo na 'ko. At makikita mo ko malinis na, maputi na, mabango na, tulad ng dati. Pero pasensya na ah! Iba na ang nagmamamay-ari sa akin.

Bumalik na yung dating ako: malinis, maputi, mabango. 'Yung nagmamamay-ari sa akin ngayon, siya lang ang tumanggap sa akin noong marumi na ako, 'di kaputian at 'di kabanguhan. Siya lang ang nagsumikap na maibalik yung dating ako. At heto na ako, maayos na ulit. Pero pasensya na ah, ibinigay mo na ako sakanya, 'di mo na ako mababawi pa. Ikaw kasi, 'di mo ko iningatan habang nasa iyo pa 'ko. Polo ako, maayos na ulit ako at masasabi ko, "Hi, ako nga pala 'yung sinayang mo!"

KingHandsome


Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page